Monday, February 07, 2005

Sorry po mga kids!!! Ice cream gusto nyo?

kaninang umaga lang, ako'y nag-ayang manuod ng sine. tinext ko si mabel kung gusto nya sumama at mag-aya pa sya ng mga iba tao. nagtext sya at maraming sumagot, ngunit mga "kids" lahat. literal na kids talaga, as in 15 below ang edad. naku, magmumukha akong pidupile nyan, si mabel nman di masayado kse pambata talaga ang height nyan eh, wahahahahaah!! peace tyo mabel, 100% ka sakin. tinamad nako bigla at sinabi ko kay mabel na di nlng tuloy at i-text yung mga sasama. natulog nako, sarap tlaga, mahigit tatlong oras! pagising ko may laway pa nga sa unan ko eh, sabay muta ko parang naipon na asin. kadiri ba? sge tama na.

pagising ko, may naririnig akong boses na parang maya bird na sumisigaw/tumitili sa labas ng bahay namin. ang sabi, "tito, is kuya jp awake na?!?" paulit-ulit po yan, parang parrot. nung marinig ko toh eh, nakilala ko kaagad kung sino ito. si princes po, isa sa mga chickitings(kids), at sya rin ang may ari ng singag express na dinudumog ng mga tao ngyn. paborito rin ito ni jihan. naka abang na sila sa labas ng bahay ko at akala nila ay tuloy pa rin ang pagnuod ng sine. biru mo, tatlong oras mahigit sila nag antay, ganyan sila ka-excited manuod ng sine. mga kids talaga oh. sila ay nagtatampo dahil tinulugan ko daw sila. sinabihan pako ng isa na indianero daw ako. pwes, di ako indianero pero aminadong tinulugan ko kyo, wahahahaha! grabe, matinding pag salubong ang binigay akin, kakagicing ko lang at binulabog nako. ang may kasalanan talaga dito ay si mabel, dahil sinabihan ko sya na itext ang mga tao na hindi na tuloy! tinawagan ko sya, at sabi nya nagtext daw sya. ngunit sa mga mukha na ipinakita ng mga kids eh talagang wala sila nakuha na mensahe. di nyo lang alam, pero gusto ko pumunta sa bahay ni mabel at sakalin sya ng matindi. joke lang, di nman ako ganun noh hahaha.

bilang pambawi, inaya ko nlang yung mga kids sa bahay at nagpakain ako ng ice cream. nag-offer pako na manuod sila ng dvd sa kwarto ko, kaso "liberated 2" at "striptease" lang ang meron ako, kaya wag nlng. sila ay natahimik at natuwa, o db? ang galing ko, ice cream lang pla katapat ng mga kids eh! naging bida pa ako. wahahahah! yari talaga si mabel sakin, "im going to make her wish she was never born!" nakamputa english yun pare ah! joke lang, favorite ko yan si mabel, 100% sakin yan lagi. wahahaha! bsta, pag kayo may problema sa kids, ice cream lang katapat nyan, mag ingat lang kyo sa flavor, bka hindi magustuhan!

nais ko pong batiin ang aking pinsan si mara limjoco ng happy 23rd birthday!!! grabe, tumatanda na mga tao... lalo na mga kids...

at congratulations po kay jihan parojinog! sya po ay nagtagumpay sa "quest for the meaning of MILF" nagresearch pa po ito, sa internet at encylopedia. di nya akalain na sa masbata pa nyang kapatid makukuha ang sagot. bilib ako syo jihan! ika'y isang dalaga na!

itaas po natin ang bandila for the kids!!!

peace \m/

3 Comments:

Blogger purplekrypton said...

bwahahahaha!!!

injanero.. kaw talaga pinaasa mo pa kids tsk tsk

lecheng milf yan!

jihan

11:55 AM  
Blogger aine said...

oi pre!!! c mara, 22 lang. mas matanda ka sa kanya noh? hehehe...

10:05 PM  
Anonymous Anonymous said...

kuya jp!!....bad ka talaga!!...mang-indyan ba naman!!....gusto talaga namin manuod ng sine!!....grrr!!!....eniweiz...salamat na lng sa ice cream!!....

-->>bettina<<--

10:50 PM  

Post a Comment

<< Home